Wee. Kwento kwento. :P Tungkol sa Monday at onting Tuesday.
Nung Monday, birthday ko. Andaming nagtext. Grabe. Pero sila Dea, Giselle, at Janella, tinatanong lang pala nila kung saan kami magmemeet. :( Akala ko nakalimutan na nila na ang purpose ng gimik namin ay dahil birthday ko. So yun.
Kasama ko lang lola ko. Iniwan kami ng dad ko. Pagdating ng TriNoma ganito nangyari. May tatlong nagtext. Si Dea, paalis pa lang ng Cavite. Kumusta naman yun ano. Si Janella, nagtetext sa loob ng FX. Si Giselle, ecstatic na malapit na TriNoma at di raw sila makahanap ng parking. So yun.
Naglibot muna kami ng lola ko hanggang... p00f! Nasugatan na ako! Nagasgas yung sa taasng ankle ko dahil siguro sa friction na dulot ng flats na suot ko. Yuck. Nerdo. Ayun. Bumili pa kami ng band aid. Pagtapos nun dumiretso na kami ng lola ko sa meeting place namin ng friends ko. AKA sa Timezone.
Nakasabay ko sa escalator si Janella. At si Giselle nakita namin pag-akyat. So yun. Nag TimeZone kami. Ang galing ni Giselle sa boxing. Hands down. Tas nagvideoke kami at dumating din si Dea. Sosyal. Ang saya pala sa videoke place sa TimeZone. Malamig. At anlakas ng sounds. Narinidi ako grabe. :)) Patindihan kami ng senti songs. At pataasan na rin ng scores. Haha. Hindi naman pala nila nalimutang birthday ko. =)) Muntik pa nga nila ako kantahan ng "Happy Birthday Sweet Sixteen" na nakita namin sa music booklet kung alam lang nila yung tono. :)) Masaya. Grabe. Nang magsawa na kami, nag House of the Dead kami ni Giselle. At sabi ni Dea, natulala raw siya. =)) Ayun. Kumain kami after at may nakita rin kaming Pisay peeps after naman kumain.
Masaya talaga. Salamat sa inyo. :P
Tuesday. Whoa. Reader's Theater ng mga under kay Ma'am Oblepias. Amazing. Go Electron! Ang galing-galing natin. Sana tinuloy natin yung Thriller dance after. =))
Labels: Electron, events, friends, recap
! you dont know the real me.
Kahapon, after ng review classes, sinundo ako agad ng dad ko para makapag-bihis kami para sa kasal kung saan inimbita kami. Sa totoo lang, di ko naman talaga maalala yung itsura yung ikakasal. Ang alam ko lang, kapitbahay namin sila dati nung sa Manila pa kami nakatira. Whoa. Parang teenager pa lang ata yun nung huli kong nakita. Tas ngayon ikakasal na pala siya. XD Ang bilis. Sa bagay. Mga 4 years old pa lang naman ata ako nun. Haha. Ayun. Napilitan tuloy akong magsuot ng skirt na super girly. Haha.
Natraffic pa nga kami papunta. Ang layo pati. Kaya sa reception area na kami dumiretso. Nakakagulat. Medyo old-fashioned yung place na yun sa Intramuros. As in, freaky. Umuulan pa. Lalo tuloy akong natakot. Ayun. Pag-akyat namin. Tinutugtog yung unang love song na nagustuhan ko. I mean, yung sa naaalala ko. Nung batang-bata pa ako, may yaya ako na laging kinakanta yun. Kaya tumatak sa isip ko yun. Hehe. Ayun. May nalalaman pa silang pictorial per table. Andami pang cameras! Gaah! Di ko nalaman kung saan ako titingin kaya ngumiti na lang ako basta. O di ba? Karir.
Tapos yun, pinadiretso kami sa buffet area. Poof! Ang una kong nakita ay, chocolate fountain!!! Naalala ko nung prom super busog na ako kaya di ako nakakuha. Kaya kinarir ko na kahapon. Waha. Ayun. Sad. Walang cream puffs. :)
After kumain, isinagawa na nila yung "wedding traditions" kuno. Biruin mo. Yung pagkuha ng garter, iniba nila. Pinakuha nila gamit yung teeth. Gaaah! Akala ko ba TRADITION. XD Tapos yung pagsalo ng garter, pabilisan umubos ng beer. Saan ka pa? TRADITION DAW. Na-culture shock pa ako. Aba siyempre, hindi toh mawawala. Sa pagsalo ng bouquet iba rin. Trip to Jerusalem este Trip to the Altar daw. Patibayan na hindi umuupo sa lap nung guy. XD TRADITION nga naman DAW. After nun, pinasuot yung garter. Tas sabi ba naman nung hinayupak na malabong emcee, "higher! higher!" XD Tas pinakiss pa sila. Pinilit ba naman sa lips daw. Eh may girlfriend na nga yung nakakuha nung garter. Pinagtripan talaga ang mga kawawang nilalang! XD Na-shock talaga ako. Ang wedding party turned wild party. XD
Freakish much?Labels: events
! you dont know the real me.
|
Saturday, February 24, 2007
Saturday, February 24, 2007
don't mind the fact that, in this post, it seems that 3 different people are talking.
Just a week ago, we had our Junior-Senior Prom. It was something we looked forward to. We had months and months of preparation. 12 rounds around the oval. 10 rounds around the whole campus. After-6 diets. Numerous gown sketches. Everything was worth it.
Naging masaya kami kasi noong gabing yun, nagkaroon kami ng pagkakataong makipag-bond pa sa aming mga ka-eskwela. Kasama na rin ang pagdadamit ng pormal at pagaayos ng itsura sa mga dumagdag sa ligayang naranasan namin noong Prom. Ang mga hindi mo akalain may talento pala sa pagsasayaw ay nagsibulgaran na. Napaka-husay nilang lahat. Kung nakita niyo lamang magsayaw ang mga guro, tiyak na ikagugulat niyo at ikatutuwa niyo rin.
Ne-enjoy ko talaga ang Prom. Biro mo talagang nanamantala kami sa pagsasayaw sa dance floor. Sobrang saya pala ng feeling na nakakagawa ka ng mga stuff na di mo akalaing kaya mo pala. Sumayaw sa harap ng maraming tao. Tumakbo, maglakad, tumalon, at magsayaw habang naka-stilettos. (Ouch. 2 days ring nasa paa ko yung mark ng straps ng stilettos na yun) Magpapicture katabi ng mga heartthrob. (Oi Jar!) Sirain ang dyeta mo kasi mahal ang binayad mo. Matulog sa hotel room. Kumain ng sandamakmak na breakfast kasi isang libo ang isa. Magswimming sa public pool suot ang swimsuit ng school. Maligo sa bath tub. Tiisin ang temptation uminom ng coke sa ref kasi may bayad palang P100. Wow. Ang dami pala. Kulang pa toh. Hahaha.
Hindi talaga madaling kalimutan ang mga pangyayaring nag-iwan ng malaking marka sa buhay mo. Aww.. Love ya friends!
Labels: events, friends, prom
! you dont know the real me.
|