<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10026949?origin\x3dhttp://reeyahn.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
!disclaimer

Welcome to my Blog!
This is where I put my thoughts on Life in General...
Be sure to read my disclaimer before doing anything else okie?
Disclaimer:
[o1] Do not rip anything off
[o2] What's here remains here
[o3] Tag before leaving please
[o4] No vulgarities
[o5] Have fun reading my posts!




!do you know me..?

maRIANNE♥. Senior. MPPA. Pink and Purple. Smallville. Clana. The OC. Maryan. One Tree Hill. Brucas. Naley. ANTM. Naima. Kahlen. Kim. Nicole. Nik. Prince of Tennis. Photography. Cellphone. Ixusi. Lip gloss. Pigtails. Closet poet, geek, dork, emo, senti. Cyber girl. Dog lover. Dreamer. Blogger. Rocker. kabOOsh. Sea Horse. Sang'gre. Eme o8. Adelfa o8. Li o8. Electron o8. MPPA batch o8. SSC-GS 2004. ♥


Contact me through:
YM: youaremysunshine12
Include your name please. I'm no guesser! >.<


!wishes
- be in the director's list
-pass senior year
- better knowledge on math stuff

-a puppy :)

-makasama sa yearbook committee. :)

-Smallville Merchandise
-Smallville Outtakes (even watermarked ones would do)
-Smallville Official Companions
-Smallville Season 6 DVD
-Carrie Underwood's album
-At least one Earthsea book

-Confessions of a Shopaholic series
-Gossip Girl series (except for vol. 1 and 3)
-New clothes

-New sandals

-New Chuck Taylors
-Shopping spree
-Longer hair?
-Snow White: The Fairest of Them All DVD
- a best friend
- meet my idols
- my savior

-UHM!

-HMM...


!links

|ada| |aika| |ala| |alyza| |angel| |angelica| |bea| |bianca| |bianca ii| |bubbles| |bubbles ii| |chan2| |chesca| |chesca ii| |dana| |dea| |dean| |diane| |[kuya] don2| |erika| |faye| |fiona| |[ate] frances| |gian| |giselle| |honey| |iel| |janella| |jape| |jarelle| |jc| |jee| |jenn| |[ate] joji| |karen| |kim| |leah| |lhianne| |lissy| |ma'm dacs| |mariz| |meanne| |megan| |nadine| |patty| |prana| |saab| |[ate] shayne| |sir martz| |tricia| | victor|




!archives
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008

!credits
Designer GUMMY.king
Images 1
Font 1
Brushes 1 2 3 4

!TAGGGGG :D


Sunday, September 09, 2007
Sunday, September 09, 2007

What defines a best friend? What are the requirements to be a good best friend? How many hours a week does it entail? Stupid questions that have no answers. A best friend is not defined by how many times they talk on the phone, or how many hours they hang out together. It is not defined by how many sleepovers they gossip at, or how many inside jokes they have. There are no requirements or laws that state that a good best friend must hang out with them every weekend, or tell each other every little detail. A best friend is a matter of opinion. It is the person who has been there for you through everything, not just through the fun things, or the little things. It is the person that you call when you are at your absolute worst, it is the person who saves you when you didn't even notice that you needed saving, mostly it is the person who accepts you for who you are, & the person that you are becoming.

Dea, Giselle, ChanChan



Labels: ,


! you dont know the real me.

|
Thursday, August 30, 2007
Thursday, August 30, 2007

What? Ganun daw pag may crush. Nagiging feelingera. (fee-leeng-geh-rah)

Haay nako. Wala naman akong crush ah... =))

Labels: , , ,


! you dont know the real me.

|
Monday, August 27, 2007
Monday, August 27, 2007

Wee. Kwento kwento. :P Tungkol sa Monday at onting Tuesday.

Nung Monday, birthday ko. Andaming nagtext. Grabe. Pero sila Dea, Giselle, at Janella, tinatanong lang pala nila kung saan kami magmemeet. :( Akala ko nakalimutan na nila na ang purpose ng gimik namin ay dahil birthday ko. So yun.

Kasama ko lang lola ko. Iniwan kami ng dad ko. Pagdating ng TriNoma ganito nangyari. May tatlong nagtext. Si Dea, paalis pa lang ng Cavite. Kumusta naman yun ano. Si Janella, nagtetext sa loob ng FX. Si Giselle, ecstatic na malapit na TriNoma at di raw sila makahanap ng parking. So yun.

Naglibot muna kami ng lola ko hanggang... p00f! Nasugatan na ako! Nagasgas yung sa taasng ankle ko dahil siguro sa friction na dulot ng flats na suot ko. Yuck. Nerdo. Ayun. Bumili pa kami ng band aid. Pagtapos nun dumiretso na kami ng lola ko sa meeting place namin ng friends ko. AKA sa Timezone.

Nakasabay ko sa escalator si Janella. At si Giselle nakita namin pag-akyat. So yun. Nag TimeZone kami. Ang galing ni Giselle sa boxing. Hands down. Tas nagvideoke kami at dumating din si Dea. Sosyal. Ang saya pala sa videoke place sa TimeZone. Malamig. At anlakas ng sounds. Narinidi ako grabe. :)) Patindihan kami ng senti songs. At pataasan na rin ng scores. Haha. Hindi naman pala nila nalimutang birthday ko. =)) Muntik pa nga nila ako kantahan ng "Happy Birthday Sweet Sixteen" na nakita namin sa music booklet kung alam lang nila yung tono. :)) Masaya. Grabe. Nang magsawa na kami, nag House of the Dead kami ni Giselle. At sabi ni Dea, natulala raw siya. =)) Ayun. Kumain kami after at may nakita rin kaming Pisay peeps after naman kumain.

Masaya talaga. Salamat sa inyo. :P

Tuesday. Whoa. Reader's Theater ng mga under kay Ma'am Oblepias. Amazing. Go Electron! Ang galing-galing natin. Sana tinuloy natin yung Thriller dance after. =))

Labels: , , ,


! you dont know the real me.

|
Monday, July 23, 2007
Monday, July 23, 2007

Thanks to one of my bestest friends in Pisay, ever reliable Giselle, the problem considered in the previous post is sort of solved. I really feel much better now. I actually feel inspired and hyped up right now. :)

Quoteage:
" You're the meaning in my life
You're the inspiration
You bring feeling to my life
You're the inspiration
Wanna have you near me
I wanna have you hear me sayin'
No one needs you more that I need you..."

-Chicago, You're the Inspiration

Labels: , ,


! you dont know the real me.

|
Friday, July 06, 2007
Friday, July 06, 2007

Naging masaya naman ako ngayong linggong ito. Kahit papaano ay napalipas ko naman ito nang may naiwang mga pangyayaring hinding hindi ko malilimutan.

Noong Lunes ay maaga akong nakarating sa eskwelahan. Tamang-tama at nagbigay pugay kami sa minamahal naming Inang Bayan noong umagang yaon. Tila maliwanag at may pagka-mainit ang araw na iyon pero sa kabila ng lahat ng ito ay naging masaya naman ang umpisa ng aking linggo. Sa unang asignatura ay nagkaroon kami ng mahabang pagsusulit sa pagsasagawa ng isang websayt. Hindi ko mapaliwanag kung ano ang naramdaman ko noong panahong iyon; ang alam ko lang ay naguguluhan pa rin ako sa ibang kowd doon. Pagtapos ay nagtungo na kami sa SHB para sa aming klase sa Pisika. Inakala kong mahuhuli na kami sa klase ngunit ako ay nagulat nang makita kong nakaalis na pala ang Charm dahil nakita ko sila sa kwartong pang-STR. Sa araw na ito ay tinapos na rin namin ang aming diskusyon tungkol sa librong nagsasaad ng kwento ni Job. Ito ay higit kong ikinatuwa pagkat ako ay sabik na sabik na talaga sa aming paglipat sa Iliad.

Kinabukasan, nagkaroon naman kami ng mahabang pagsusulit sa Biyolohiya. Sa araw ring ito ay ipinaliwanag ko sa mga kaklase ko sa elektib kung ano nga ba ang mga sinasagisag ng mga elementong inilagay ko sa aking unang proyekto. Sa hapon ay nagkaroon lamang kami ng laro laban sa seksyong Truth. Sa kabila ng pagkakaroon namin ng maagang uwian ay napilitan pa rin kaming manatili sa eskwelahan upang mag-isip at mag-saliksik ng magandang paksa para sa aming STR. Di naglaon ay nakaisip din kami ng isa sa aking mga ka-grupo.

Noong Miyerkules, nagsimula na ang aming diskusyon sa Iliad. Inumpisahan ito sa pamamagitan ng pag-ulat ng dalawa sa aking mga kaklase tungkol sa labindalawang diyos at diyosa ng mitolohiyang Griyego at Romano pati na rin ang paghuhusga ni Paris kung sino ba talaga ang karapat-dapat makatanggap ng ginintuang mansanas na siyang iproproklamang pinakamagandang diyosa sa lahat. Sa araw na ito, unti-unti akong naliwanagan tungkol sa mga bagay-bagay na tila bumabagabag sa akin simula noong una kong magisnan ang isang misteryosong tao sa eskwela.

Sumapit na ang Huwebes at ako ay kinulit pa rin ako ng mga matalik kong mga kaibigan tungkol sa bagay na bumagabag sa akin. Pero bago ako tuluyang naliwanagan ay nagkaroon muna kami ng mahabang pagsusulit sa Matematika. Pagtapos ng elektib ay wala na kaming klase pagkat sa Biyolohiya ay wala ang aming guro at sa Ekonomiks naman ay may pinapagawang aktibidad ang aming guro. Bago pa man magtapos ang araw na ito ay nakayanan ko na rin bumigay sa pagkikipkip ko sa mga tunay kong pagkakaunawa sa tila ba parang kuryenteng gumugulat sa akin sa tuwing naiisip ko ang bagay na bumagabag sa akin. Sinabi ko ang mga nararamdaman ko sa aking tatlong matalik na kaibigan. Ang isa sa kanila ay nakasama kong maglibot sa eskwelahan pagsapit ng hapon at maniwala man kayo o hindi, naikot namin ang buong paligid SHB ng sampung beses.

Kanina naman ay naging maayos at masaya ang mga pangyayari. Sa Filipino ay nagkaroon kami ng bugtungan. Sabik na akong ituloy ang ito upang mabigay na talaga namin ang lahat ng aming makakaya upang manalo sa paligsahang ito. Naging mahaba rin ang aming libreng oras ngayon. Naging tuluy-tuloy na apat na oras ang aming natanggap na pahinga. Ang natirang asignatura na lamang ay Kimika at CAT. Noong CAT namin ay may napansin akong mga mas nakakabatang estudyanteng tila ba sabik at tuwang-tuwa sa aming mga ginagawa na dumating na sa puntong ginaya nila kami at sinaluduhan. Nakakatuwa naman sila. Mga atat makarating sa ika-apat na taon sa mataas na paaralan samantalang kami naman ay nangangarap bumalik sa nakaraan at pabagalin ang oras.

Bukas ay 07/07/07. Hindi ba't nakakaaliw ang petsang ito. :)

Labels: , , , ,


! you dont know the real me.

|
Sunday, April 29, 2007
Sunday, April 29, 2007

Guess whoo?! Syempre si Dea. Beloved BF. Best Friend. :) Sana magka-sabay din kami sa enrollment. We barely had time to catch up these days. :(

Nagustuhan ko lang mag-photo blog. :)

Labels: , ,


! you dont know the real me.

|
Wednesday, April 04, 2007
Wednesday, April 04, 2007


Janni, Albert, Paolo, Joseph, Van,
TJ, Patacs, Lendl, Lorenz, Serl,
Steven, Benjo, Brandon, Kim, Gabs,
Adrian, Joel, Angelica, Aika, Agnetha,
Yela, Mariel, Jelle, Bang, Pachy,
Vergelle, Jamie, Lara, Abbi.

Miss ko na kayo!!!

Labels: , , ,


! you dont know the real me.

|
Monday, March 19, 2007
Monday, March 19, 2007

Isa lang toh sa maraming parts ng conversation ng isa kong minamahal na kaibigan na itago natin sa pangalang Dollie...

Me: Nanginginig kamay ko... Shame...
Dollie: Tinatype mo kasi pangalan niya eh...
Me: Siguro nga...
Me: Haha...
Dollie: Hihi...
Me: Ang pangit niya talaga...
Me: Sabay ganun...
Dollie: Anlabo mo...
Me: Sinira niya ang buhay ko...
Dollie: Paano mo nasabi?
Me: Wala lang..
Me: Trip ko lang sabihin na ganun siya...

O di ba? Walang tatalo sa kalabuan ko...

Wow. 3 years na pala simula nung grumaduate ako ng Elem! >,< (off-topic)

Labels: , ,


! you dont know the real me.

|
Tuesday, February 27, 2007
Tuesday, February 27, 2007

Today was no ordinary Tuesday. Maaga ako dumating sa school ngayon. Hinanap ko si Ban para magpatulong sa Physics pero di ko siya nakita. Wah. Kawawa naman ako. Pero yun, tumambay na lang kami ni Janella sa usual tambayan tuwing umaga, a.k.a. front lob at guess what? May nangyaring kahiya-hiya. Shucks sumakit ulo ko. Bwiset ka. Har.

Tapos dahil wala kaming first sub, nagcram na lang kami. Wee. Buong Lithium masaya. At nagpakahirap kami sa mga problem set. Weee... Tapos nung Math na, wow! Nag-quiz na naman kami. Okay lang siya na magulo na ewan. Ayun, nag-Physics na kami. Imbis na pagtuunan namin ng pansin ang aming proyekto, natuwa na lang kami dun sa mga lalaking nagsisimake-upan. Haha. Nice one guys. At sa wakas, dumating ang English time. Nag-one act play yung 2nd group at ang cool nila grabe. Galing niyong lahat! Wee. Congrats.

Nung Eng Journ na, nalaman namin na wala na pala kaming Eng Journ. Aww. How sad. :P Kaya nagpicture-picturan na lang kami. May nakakatakot pa ngang nangyari eh. So yun. Nag "class" pic kami nang wala si Reby dahil sabi niya nag-attempt daw siyang mag-cut. Biro mo, di pa pinatawad ang so-called last session sa Eng Journ. Nice. Haha.

The afternoon went well too. Sa Com Sci, everyone had this thing called "Yahoo Groups Fun." Haha. Lityoom secret. HAHA. Ang fun nun. Tas nung STR, nagkandarapa na naman kami para matapos na namin yung experiment at thank heavens malapit na namin matapos. Nung Chem, well naging weird siya. Haha. Ang kulet ng mga classmates ko noon. Tas sabi pa ni Sir Javert, "Okay, Lithium. Put your halos back on." LOL. Astig din nung PE nakaperfect kami ni Yela sa singles pero hindi sa doubles. Ok na rin siguro yun.

Ang fun talaga ng araw na toh. Haayy. Basta. I <3 Lithium Zero Eight.

Labels: ,


! you dont know the real me.

|
Sunday, February 25, 2007
Sunday, February 25, 2007

jape: sana ako naman makatulong saio if you have a problem.. lagi na lang kasing ikaw tumutulong sa akin eh... :D
me: that's what friends are for. ;)


Labels: ,


! you dont know the real me.

|
Sunday, February 25, 2007

Wow. 125 posts na ang nasa blog ko. Wenk.

Gusto ko lang naman sabihin na.

Dear Lithium Zero Eight,
Ngayon ko lang narealize, na sobrang dami na pala nating pinag-samahan. At masasabi ko talagang nag-enjoy ako sa lahat ng toh. Ngayong 2 weeks na lang ang klase, sana samantalahin na natin ang natitirang pagkakataon para makapag-bonding tayo. Wala lang. I love you Lithium Zero Eight! <3!

Love,
Your attendance monitor. [harhar] ^^,)

Labels: ,


! you dont know the real me.

|
Saturday, February 24, 2007
Saturday, February 24, 2007

don't mind the fact that, in this post, it seems that 3 different people are talking.

Just a week ago, we had our Junior-Senior Prom. It was something we looked forward to. We had months and months of preparation. 12 rounds around the oval. 10 rounds around the whole campus. After-6 diets. Numerous gown sketches. Everything was worth it.

Naging masaya kami kasi noong gabing yun, nagkaroon kami ng pagkakataong makipag-bond pa sa aming mga ka-eskwela. Kasama na rin ang pagdadamit ng pormal at pagaayos ng itsura sa mga dumagdag sa ligayang naranasan namin noong Prom. Ang mga hindi mo akalain may talento pala sa pagsasayaw ay nagsibulgaran na. Napaka-husay nilang lahat. Kung nakita niyo lamang magsayaw ang mga guro, tiyak na ikagugulat niyo at ikatutuwa niyo rin.

Ne-enjoy ko talaga ang Prom. Biro mo talagang nanamantala kami sa pagsasayaw sa dance floor. Sobrang saya pala ng feeling na nakakagawa ka ng mga stuff na di mo akalaing kaya mo pala. Sumayaw sa harap ng maraming tao. Tumakbo, maglakad, tumalon, at magsayaw habang naka-stilettos. (Ouch. 2 days ring nasa paa ko yung mark ng straps ng stilettos na yun) Magpapicture katabi ng mga heartthrob. (Oi Jar!) Sirain ang dyeta mo kasi mahal ang binayad mo. Matulog sa hotel room. Kumain ng sandamakmak na breakfast kasi isang libo ang isa. Magswimming sa public pool suot ang swimsuit ng school. Maligo sa bath tub. Tiisin ang temptation uminom ng coke sa ref kasi may bayad palang P100. Wow. Ang dami pala. Kulang pa toh. Hahaha.

Hindi talaga madaling kalimutan ang mga pangyayaring nag-iwan ng malaking marka sa buhay mo. Aww.. Love ya friends!

Labels: , ,


! you dont know the real me.

|