Kakatapos pa lang ng first week. Whoa. Kumusta naman? Heto ako, buong-buo at naka-survive ng isang linggo (pa lang) ng pagiging loner. Destined ba ako maging loner sa buong high school life ko? I remember nung first year, sobrang takot ako. Kahit na may kakilala nga ako, di naman kami yung laging magkasama. Nung second year naman, andoon nga si Giselle at Honey, pero syempre sila yung magkasama. Hindi pa kasi kami close ni Dea noon. Nung third year naman, andoon si Aika. Pero di kami super close. As in hindi yung tipong lagi sabay sa paglalakad. Minsan lang. Tapos may iba din siyang kaclose sa Lithium. Kaya naman ayun. Loner ako. Sa Electron naman ngayon, grabe. Superduper wala akong makasama. Kasi yung Sodium people, sama-sama sila. Si Jape naman, kasama ni Treng. At yung ibang Lithium, apparently, di kami close. Ni hindi nga kami nag-uusap kung hindi tungkol sa school stuff eh. XD
Ikukuwento ko na lang ang first week ng pagiging isang senior.
First day! Ayun, everyone was really psyched to see their classmates and meet their teachers. Syempre ako, kahit alam ko nang wala ako masyadong friends doon, excited pa rin ako. Bago mag-flag ceremony, tumambay muna kami sa front lob benches, a.k.a. the usual. Hehe. At ayun! Nakita ko mas mahaba na ang buhok ko kay Chan^2. Waha! Achievement. Tas lagi niya nga sa akin pinapaalala na magpagupit na ako. Para maabutan niya level ko. Pero ayoko. May plano ako eh. Papa-mohawk ko din toh balang araw. Joke. So yun, nung flag ceremony, whoa! ANG INIT! Sobra talaga. Parang summer pa rin na hindi. Kasi the past week malakas yung mga ulan. So yun. Pinapunta muna kami sa ASTB para mameet na namin ang aming mystery adviser. So yun. Antay, antay. Hanggang sa lahat na ng fourth year sections ay nakaalis na, nandoon pa rin kami sa room at nag-aanticipate. XD Kawawang mga Electron. =| Kaya nagdecide na lang kaming hanapin si Ma'am Cruz. At yun. Matagal-tagal rin. At
poof! Nakuha na rin sa wakas ang aming class schedule. Ang aming mystery adviser naman ay isang taong nagngangalang Mr. Peter Dajime. Whoa. Astigin ano? Ayun, yada yada. Nagclasses na kami and guess what? Teacher namin si
Ma'am Bonics!!! Good thing talaga sa akin yun. Ang galing niya kasing teacher. :) After Physics, English na. (Ata) Tas teacher namin si Ma'am Oblepias. Noong una, takot ako sa kanya. As in natulala ako. Pero nasense ko naman na mabait at magaling siyang teacher. Yun. Nung hapon nakilala na namin ang aming mystery adviser na si Sir Dajime. Astig nga nung introductory rites niya. Haha. LOL!
Go Electron! Natatawa pa rin ako pag naaalala ko yun. Sikretong malufet. Not really. LOL.
Ang bading ko. Anyway. Medyo nadisappoint ako nung di namin naging teacher si Sir Tafaleng pero oh well. Makikita pa rin naman siya sa loob ng school bounds so okay na rin. XD
So second, third, at fourth day. Sabi ko nga sa post ko noong Tuesday, "same same." Pero okay. Sige na nga, masaya sa Electron, okay naman ang teachers, pero para talagang may kulang. :\ Pero di ko malaman kung ano ba yun. Sigh. :|
Nung fifth day, a.k.a. Friday. LOL. Nag-UPCAT Simulation kami. Buong morning yun. Tas nung tanghali nag-elections naman. Pero before that, and after nung simulation, pumunta kami ng caf at marami kaming nakitang 07 dun. Wah. Nakakamiss pala talaga sila. Sana maulit muli ang aming third year tas fourth year ang 07. O kaya ang aming first year na may 07 na sophomores, 06 na juniors, at 05 na seniors. Kasi biruin mo, seniors na kami, malapit na kami grumaduate, at malapit na kami magcollege. Whoa. Ang bilis. Sana mas "interactive" lang kami sa ibang batches. Haha. Older ones. Para kami yung bunso. Haha. Joke. :) Ayun, andami ngang 07 nun. Tas sila pala yung nagbantay nung elections at sila din yung nagbilang nung votes.
Nung hapon pala, nag-first meeting kami ng CAT. Whoa. Haha. May ganun pa kaming nalalaman. XD Okay naman. Tumayo lang kami sa field. :) O diba? Matatag kami.
Go 08! Hehe. (
labo)
Ngah pala. Natupad ang pangarap kong mapasok sa VisCom! Yay! Hehe. :) Naalala ko tuloy, akala ko nung third year pwede yun sa third years. Haha. Ignoranteng nilalang.
Labels: Electron, recap, school
! you dont know the real me.